Mga taong makakatanggap ng bakuna
- Mga taong may edad 12 taong gulang pataas
※ Maaaring kang mabakunahan mula sa araw bago ang ika-12 taong kaarawan.
(Halimbawa)Kung ang ika-12 taong kaarawan ay Marso 20, maaari ka nang mbakunahan mula sa Marso 19.
Agwat ng pagbabakuna
- Pagkatapos ng ika-1 pagbabakuna, ang ika-2 pagbabakuna ay karaniwang ibinibigay sa agwat ng 3 linggo.
Bayad para sa pagbabakuna
Uri ng Bakuna
- Monovalent vaccine para sa Omicron strain XBB.1.5(Pfizer)
※Kung nakatanggap ka ng ibang bakuna para sa iyong ika-1 na dosis, dapat ay hindi bababa sa 27 araw na pagitan bago matanggap ang bakunang ito bilang alternatibong ika-2 na dosis.
- Bilang isang patakaran, ang parehong bakuna ay dapat ibigay para sa una at pangalawang pagbabakuna, ngunit ang ibang bakuna ay maaaring ibigay kung natutugunan ang mga sumusunod na kinakailangan(※1~3)
(※1)Kapag sinabihan ng doktor na mahirap ng tumanggap ng parehong bakuna sa pangalawang pagkakataon dahil sa malubhang epekto pagkatapos ng unang pagbabakuna, atbp.
(※2)Kapag mahirap tumanggap ng parehong bakuna para sa una at pangalawang pagbabakuna dahil sa pagbaba ng distribusyon sa bansa at sa paglipat ng mga taong tumanggap ng pagbabakuna.
(※3)Ang mga lalake na nasa edad 10~19 at 20~ na nakatanggapng Moderna vaccine sa 1st dose at gustong lumipat sa Pfizer vaccine para sa 2nd dose (Ang bihirang kaso ng pinaghihinalaang myocarditis opericardiris pagkatapos mabakunahan ng Pfizer at Moderna vaccine aynaiulat. Lalo na sa mga lalake na nasa edad 10~19 at 20~,ang Modernaay mas madalas na naiulat kaysa sa Pfizer.)
- Ang paunang pagbabakuna para sa Janssen Pharmaceutical vaccine sy isang dosis lamang.Kung ang isang dosis ay nakumpleto sa ibang bansa, ituturing ito na nakumpleto mo na ang pangalawang dosis sa Japan, at kung ang dalawang dosis ay nakumpleto sa ibang bansa, ito ay ituturing na ang ikatlong dosis ay nakumpleto na sa Japan.
Lugar ng pagbabakuna
Daloy ng pagbabakuna
1.Matatanggap ang impormasyon
Para sa mga taong nakatanggap na ng impormasyon sa pagbabakuna ay maaari nang magpabakuna.
2.Magpareserba at magpabakuna
Para sa mga taong nais magpabakuna, gamitin ang mga paraan na nakasaad sa ibaba upang magpareserba.
Ⓐ.Pagpapareserba sa Toyohashi City WEB Reservation Site・Toyohashi City COVID-19 Vaccine Call Center
Ⓑ.Reserbasyon sa pamamagitan ng direktang pagtawag sa institusyong medikal.
ⓒ.Reserbasyon gamit ang sariling sistema ng pagpapareserba ng institusyong medikal.