Ang espesyal na programa ng pansamantalang pagbabakuna, na maaaring ibigay nang walang anumang gastos ay magtatapos sa Marso 31, 2024.
Mangyaring kumonsulta sa inyong doktor at sumangguni sa Q&A ng Ministry of Health, Labor and Welfare tungkol sa COVID-19 kapag magpapasya kung magpapabakuna.
Mga makakatanggap ng bakuna
- Mga batang 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang.
※Maaaring mabakunahan mula sa araw bago sumapit ang ika-6 na buwan.
(Halimbawa)Kung ang mag-aanim na buwan sa Marso 20, maaari nang mabakunahan sa Marso 19.
※Ang mga batang umabot na sa kanilang ika-5 kaarawan at hindi pa nabakunahan ng infant vaccine ay bibigyan ng bakuna na ginagamit para sa mga nasa edad 5~11 taong gulang. Maaari gamitin ang paunang pre-examination slip na may kasamang kupon para sa pagbabakuna para sa sanggol. Gamitin lamang ang para sa 1st at 2nd dose. Mangyaring itapon ang pre-examination form at kupon para sa pagbabakuna sa 3rd dose.
Panahon ng pagpapatupad
- Oktubre 24, 2022 hanggang March 31, 2024
Upang makumpleto ang unang pagbabakuna (3-dose set) gamit ang「Pfizer Infant Vaccine」,sa prinsipyo, ang unang pagbabakuna ay dapat matanggap hanggang Enero 14, 2024 (linggo)(Pagitan ng pagbabakuna:【Ika-2 bakuna】Karaniwan 3 linggo pagkatapos ng Ika-1 pagbabakuna,【Ika-3 bakuna】8 linggo o higit pa pagkatapos ng Ika-2 pagbabakuna).
Ang deadline para sa unang pagbabakuna ay kinakalkula batay sa pag-aakalang matatanggap ang Ika-3 pagbabakuna sa Marso 31, 2024(linggo). Sa katotohanan, malamang na kakaunti lamang ang mga institusyong medikal na nangangasiwa ng mga pagbabakuna tuwing Linggo, kaya kung nais mong matanggap ang pagbabakuna, mangyaring isaalang-alang ang pagbabakuna nang maaga.
Bayad para sa pagbabakuna
Uri ng Bakuna
- Monovalent vaccine para sa Omicron strain XBB.1.5(Pfizer)
※Gagamitin ang bakuna para sa mga batang may edad 6 na buwan~4 na taong gulang
- Monovalent vaccine para sa Omicron strain XBB.1.5(Moderna)
※Target ang mga batang may edad6na buwan~5 na taong gulang
Agwat ng pagbabakuna
Pagkatapos mabakunahan ng 1st dose, pagkalipas ng 3 linggo ay maaari nang magpabakuna para sa 2nd dose. Pagkatapos ay magpabakuna nang 3rd dose pagkalipas ng 8 linggo pataas.
Pagkatapos mabakunahan ng 1st dose, pagkalipas ng 4 na linggo maaari ka nang magpabakuna para sa 2nd dose.
※Para makumpleto ang unang yugto ng pagbabakuna, kailangan magpabakuna ng Pfizer vaccine ng 3 beses o kaya nang Moderna vaccine ng 2 beses.
※Kung nakatanggap na ng 2 dosis ng Moderna vaccine, hindi mo na magagamit ang kupon para sa pagbabakuna ng 3rd dose kaya mangyaring itapon na ito.
Iskedyul ng pagpapadala ng kupon para sa pagbabakuna
Ang mga kupon para sa pagbabakuna ay ipapadala sa unang linggo ng bawat buwan sa mga sanggol na 6 na buwang gulang.
※Maaaring magbago ang iskedyul na nakasaad sa itaas.
※Ang kupon para sa pagbabakuna ay ihahatid ng sunud-sunod mula sa post office, ngunit maaari itong tumagal ng ilang araw mula sa petsa ng pagpapadala bago mo ito matanggap.
Lugar ng pagbabakuna
Daloy ng pagbabakuna
1.Matatanggap ang impormasyon
Para sa mga taong nakatanggap na ng impormasyon sa pagbabakuna ay maaari nang magpabakuna.
2.Magpareserba at magpabakuna
Para sa mga taong nais magpabakuna, gamitin ang mga paraan na nakasaad sa ibaba upang magpareserba.
Ⓐ.Pagpapareserba sa Toyohashi City WEB Reservation Site・Toyohashi City COVID-19 Vaccine Call Center
Ⓑ.Reserbasyon sa pamamagitan ng direktang pagtawag sa institusyong medikal.
ⓒ.Reserbasyon gamit ang sariling sistema ng pagpapareserba ng institusyong medikal.